^

Metro

1 pang miyembro ng CPP-NPA, hinatulang ‘guilty’ sa rebelyon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinatulang mabilanggo ng mababang korte sa Taguig City ang isa pang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na namuno sa serye ng pag-atake laban sa mga sundalo ng pamahalaan at communication facilities sa lalawigan ng Quezon noong 2005.

Sa desisyon sa sala ni Judge Marivic C. Vitor, ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 266 nitong Mayo 16, 2024, napatunayang “guilty beyond reasonable doubt” sa kasong “rebellion” si Maria Salome Crisostomo, at kilala rin sa pangalang Maria Salome Crisostomo Ujano at pinatawan ng ‘Indeterminate penalty’ sa minimum na 10 taong prision mayor hanggang 17 taon at 4-buwang reclusion temporal bilang maximum.

Sa record ng korte, si Ujano at iba pang opisyal at miyembro ng CPP-NPA ay nagsagawa ng pag-atake mula Nobyembre 19-25 2005 sa Quezon province, na ikinasawi at ilang sundalo ang nasugatan habang nasira naman ang communication sites at mga kagamitang pag-aari ng pamahalaan.

Sa pagdinig, igiinit ni Ujano na wala siyang kaugnayan sa NPA at akusasyon na sangkot sa mga pag-atake sa nabanggit na mga petsa, at wala umano siya sa lugar o kalapit na lugar ng Quezon Province, sa alibi na siya ay nasa St. Scholastica College, Leon Guinto, Malate, Manila. Gayunman, tinukoy siya ng mga testigo na kasama ng mga rebelde sa mga pag-atake at engkuwentro, at isa sa mga “most wanted” na komunista CPP-NPA.

Magugunita noong Mayo 15, 2024, hinatulan din ng “guilty” ng RTC Branch 266, Taguig City si Omin­ta Romato Maute, alyas “Farhana Maute”, ang ina ng mga Maute terrorists at nagsisilbing financier ng kanilang grupo.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with