^

Metro

Chinese arestado sa matataas na kalibre ng baril, luxury cars

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Chinese national ang inaresto matapos mahulihan ng matataas na kalibre ng baril, mga bala, at mga luxury vehicles na nagkakahalaga ng na P15 hanggang 30 milyon, sa ikinasang operasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO), iniulat kahapon.

Sa ulat, sinabi ni NCRPO Chief, P/Major General Jose Melencio Nartatez Jr. na nagsasagawa pa sila ng profiling sa suspek na kinilalang si Haiqiang Su, 24, matapos ang matagumpay na operasyon noong Linggo ng umaga sa pagsisilbi ng search warrant sa No. 37 Lavender St. Mahogany Place 3, Barangay Bambang Taguig City. Dito nakumpiska sa dayuhan ang mga kontrabando.

Sa ulat, isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng Regional Special Operations Group ng -Regional Intelligence Division at Taguig City Police Station ang ang Search Warrant na inisyu ni Judge Bernard Pineda Bernal, Vice Executive Judge ng RTC Branch 70 Taguig City.

Nasamsam sa suspect ang matataas na kalibre ng armas kabilang ang isang cal. 5.56 rifle; dalawang pirasong magazine para sa naturang armas; 36 na piraso ng mga bala para sa cal. 5.5mm; 6 na piraso ng bala para sa cal. 9mm; isang (1) unit ng M16 airsoft rifle; 1 unit ng Honor Fantastic Airsoft pistol; 1  unit ng Walther Airsoft Pistol; 1 unit ng WE Airsoft Pistol; 1 Gamo Tactical Scope; 2 granada; dalawang (2) Tactical Vest; 1 tactical helmet na may markang “China”; 3 pistol holster; 3 magkakaibang ID; at watawat ng China.

Kabilang pa rin sa nasamsam ang ang isang 1 unit na McLa­ren GTR sports car na dinala sa opisina ng ANCAR para sa imbestigasyon at beripikasyon dahil sa Illegal Transfer of Plates; kasama ang isang unit na HONQI Electric SUV; isang unit na KTM Sports bike at isang unit na Electric Bike para sa walang tamang mga dokumentong ipinakita.

“Nakakuha tayo ng luxury cars, meron ‘yung electric car at mayroon ‘yung Mc Lauren it is worth about P15-30 million. So napakamahal saan sila kukuha ng ganon, we are questioning these, dahil walang document silang naipakita. So we will be coordinating with the Bureau of Customs and to concerned agency,” ani Nartatez.

Sa nasabi ding operasyon, dalawa pang Chinese national na nadatnan sa nasabing bahay ang isinasailalim sa beripikasyon.

Samantala, isang Jerry Mari Cheng ang dumating sa RSOG compound na nagdala ng 2 paper bags na may marking “9 Dynasty Group” at ipinasa sa isang kababayan niyang si Zhuang Guangdong na siyang nagtangkang isuhol sa mga pulis.

Nabatid na P3 mil­yon ang kabuuan ng perang tinanggihan at sa halip ay dinakip na si Guangdong sa kasong bribery, habang si Cheng ay nakatakas na.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with