54 bus ikinalat para sa libreng sakay
Sa pansamantalang pagsasara ng LRT-1
MANILA, Philippines — Nasa 54 na pampasaherong bus ang ipinakalat ng pamahalaan nitong Miyerkules Santo sa ruta ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) para pagsilbihan ang mga commuters na apektado ng temporary closure ng naturang rail line.
Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na nagpapatupad ang LRT-1 ng temporary closure dahil sa kanilang taunang Holy Week maintenance works.
Bukod dito, nagsasagawa rin umano ang LRT-1 ng preparatory works para sa pagbubukas ng karagdagan pang istasyon mula sa Redemptorist hanggang Dr. Santos Stations ng LRT-1 ngayong taon.
Upang i-offset naman ang epekto ng naturang temporary closure ng rail line, ipinatupad ang deployment ng mga naturang passenger buses, sa kolaborasyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Nabatid na apat sa mga pinabiyaheng bus ay mula sa MMDA habang 50 naman ang mula sa LTFRB.
Anang DOTr, ang mga naturang bus ay bumiyahe sa kahabaan ng Taft Avenue, mula Edsa-Taft sa Pasay City hanggang sa Monumento sa Caloocan City mula 4:00 ng umaga sa buong araw ng Marso 27, Miyerkules Santo.
Ang pickup at drop off points nito sa Taft Avenue, ay sa Edsa-Taft, Gil Puyat, Doroteo Jose, Carriedo, at Monumento.
- Latest