^

PM Sports

Bulldogs walang balak bumitaw sa No. 2 seed

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisikapin ng National University na mapanatili ang kapit sa pangalawang puwesto sa pagharap nila sa naghihingalong University of the East sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa Smart Araneta Coliseum ngayong araw.

Kasalukuyang tangan ang 8-3 karta, naka tambay ang Bulldogs sa second spot sa team standings habang mag-isa sa tuktok ang University of the Phi­lippines Fighting Maroons pasan ang 9-2 record.

Magsisimula ang tapatan ng Bulldogs at Red Warriors sa alas-2:30 ng hapon, sunod ang bakbakan sa pagitan ng Far Eastern University Tamaraws at Fighting Maroons sa alas-5 ng hapon.

Impresibo ang ipinakitang laro ng NU sa huli nilang laban kung saan ay tinalo nila ang defending champion De La Salle University, 84-80 matapos silang akbayan ni Reinhard Jumamoy.

Kaya asahang si Jumanoy pa rin ang isa sa magiging pangunahing armas ni NU head coach Jeff Napa para ikadena ang pangatlong sunod na panalo.

“Congratulations kay Reinhard kasi he’s been off through the past games, medyo natamaan din siya sa shoulder before, so at least hats off sa kanya kung papaano niya dinala ‘yung team,” sabi ni Napa.

Makakatuwang ni Jumamoy sa opensa sina Mo Diassana, PJ Palacielo at Paul Francisco para maakbayan sa panalo ang NU.

Subalit tiyak na mapapalaban ang Bulldogs bago sikwatin ang inaasam na panalo kahit nasa ilalim ng team standings ang Red Warriors.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with