^

Metro

Travel records ng Bamban mayor, handang isumite ng BI

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na handa silang isumite ang mga travel records ni Bamban Mayor Alice Guo upang maimbestigahan, sakaling ipa-subpoena ito.

Ginawa ni BI spokesperson Dana Sandoval ang pahayag, sa isang panayam sa telebisyon, kasunod nang pagkuwestiyon ni Senator Risa Hontiveros sa nasyonalidad ni Guo.

Ayon kay San­doval, kung sakaling kakailanganin para sa anumang imbestigasyon ay handa naman ang BI na isumite ang mga travel documents ni Guo sa kinauukulang ahensiya, sa sandaling ipa-subpoena ito.

Nabatid na ang travel records ng lahat ng fo­reign nationals o maging ng mga Pinoy ay nakalagay sa isang centralized database kaya’t madali nila itong maipiprisinta kung kinakailangan.

Nag-ugat ang isyu nang pagkuwestiyon sa nasyonalidad ni Guo sa Senado, kaugnay nang ginawang pagsalakay sa isang Philippine Offshore Gaming ­Operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac, noong Marso.

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na posibleng sangkot si Guo sa operasyon ng POGO hub, at tinukoy ang isang resolusyon ng Sangguniang Bayan na nagsasaad, na ang alkalde, na isang pribadong mamamayan noon, ang siyang nag-aplay ng license to operate para sa Hongsheng Gaming Technology Inc..

 Mariin naman nang itinanggi ni Guo ang alegasyong sangkot siya sa POGO hub operations.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with