7 botika sa NCR, magtuturok na ng COVID-19 vaccine
MANILA, Philippines — Upang makatulong ang pasanin ng mga vaccinator na nagkakasakit ay inilunsad ng pamahalaan sa Huwebes at Biyernes ang “Resbakuna sa Botika” sa Metro Manila.
Sinabi ni testing czar Secretary Vince Dizon sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ito ay sa pitong botika lamang sa Metro Manila para sa isang linggong pilot test at pagkatapos nito ay gagawan na ito sa mga botika sa buong bansa.
Bukod sa dagdag na venue, mapapabilis din umano ng “Resbakuna sa mga Botika” ang pagbabakuna at makakatulong sa pasanin ng mga nagkakasakit sa vaccinators.
Nakausap na umano niya ang mga malalaking drugstores sa gagawing hakbang para mas mapalawak pa ang pamimigay ng COVID vaccines.
Matapos naman umano ang isang linggong pilot test sa Metro Manila ay ilalarga na ito sa mga lalawigan sa buong bansa.
- Latest