182 metric tons ng basura, nahakot
2 sementeryo sa Maynila
MANILA, Philippines — Umabot na sa 182 metriko tonelada ang basurang nakolekta sa dalawang pangunahing sementeryo sa Maynila bago pa man matapos ang Undas 2026, ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Batay sa ulat ng Department of Environment and Public Services (DEPS), mula Oktubre 28 hanggang alas-8 ng umaga ng Nobyembre 1, nakahakot na ng 97 metriko toneladang basura sa Manila North Cemetery (MNC).
Nasa 85 metriko tonelada naman ang nakolekta sa Manila South Cemetery (MSC), kaya umabot sa kabuuang 182 metriko tonelada ang basura mula sa dalawang sementeryo.
Inaasahan pang madaragdagan ang nakolektang basura dahil marami pang pamilya ang inaasahang dadalaw sa mga puntod hanggang ngayong Araw ng mga Kaluluwa, Nobyembre 2.
Nagpasalamat si Domagoso sa mga tauhan ng DEPS sa kanilang patuloy na paglilinis at pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga sementeryo sa gitna ng dagsa ng mga dumadalaw ngayong Undas.
- Latest




















