16-vote threshold kay VP Sara target pa rin ng prosecution
MANILA, Philippines — Target pa rin ng prosecution panel na makakuha ng 16 o higit pang boto upang mapatunayang nagkasala si Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial sa kabila ng pagpapababa sa 14 na boto.
Ayon kay House impeachment adviser at Spokesman Robert Ace Barbers, kung makakakuha ng 16 boto ay makakatulong ito para higit na mapagtibay ang hatol at maiwasan ang anumang legal na isyu sa konstitusyon na kailangang 2/3 na boto para sa pagpapataw ng kaparusahan.
“Kung ako tatanungin nila, sabihin ko maghanap tayo ng 16 para to prevent the any challenge before the Supreme Court,” punto ni Barbers .
Ang bilang ng boto na kinakailangan para sa hatol ay isa sa mga kuwestiyon sa procedural na isyu sa paglilitis laban kay VP Sara matapos namang maging punto kung pahihintulutan ang mga nakakulong na Senador na makapagpartisipa sa botohan na manatili ang mga ito sa denominator.
Una nang binago ng impeachment court ang nakapakong 16 boto na rekisitos para ma-convict si VP Sara at naglatag ng formula na ang mga Senador na nakakulong at hindi nakakapagpartisipa sa paglilitis ay hindi maisasama sa botohan.
Magugunita na umapela ang kampo ni VP Sara sa Korte Suprema para maibalik ang 16 voting threshold sa paghahatol sa impeachment dahilan 2/3 na boto mula sa kabuuang 24 Senador ang nakasaad sa Konstitusyon.
- Latest





















