^

Metro

2 Vietnamese na mga pekeng doktor, tiklo sa CIDG

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 Vietnamese na mga pekeng doktor, tiklo sa CIDG
Kinilala ang mga suspek na sina “Thao Anh”, 31, babae, at “Dong Xuan”, 29, lalaki. Huli sa akto ang dalawa na nag-iinject ng substances, nagbibigay ng gamot, at nagsasagawa ng whitening treatment nang walang awtorisasyon mula sa Professional Regulation Commission at Philippine Medical Association.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Dinakma ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang Vietna­mese na nagpapanggap na mga doktor matapos na mahuli sa aktong nagsasagawa ng medical examinations sa isang hotel sa Parañaque City.

Kinilala ang mga suspek na sina “Thao Anh”, 31, babae, at “Dong Xuan”, 29, lalaki. Huli sa akto ang dalawa na nag-iinject ng substances, nagbibigay ng gamot, at nagsasagawa ng whitening treatment nang walang awtorisasyon mula sa Professional Regulation Commission at Philippine Medical Association.

Nabatid na nakatanggap ng reklamo ang CIDG hinggil sa modus ng mga suspek kaya agad na ikinasa ang entrapment operation.

Nasamsam sa operasyon ang iba’t ibang vials ng kemikal, mga kahon ng syringe, samu’t saring tablet at capsule, at iba pang kagamitan na tinatayang nagkakahalaga sa P150,000.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 4224 o The Medical Act of 1959 ang dalawang suspek.

CIDG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with