Bus inararo 10 sasakyan, 10 sugatan

MANILA, Philippines — Sampu katao ang sugatan matapos araruhin ng isang pampasaherong bus ang 10 sasakyan saka sumalpok sa barrier kahapon ng umaga sa Commonwealth, Quezon City.
Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District District Traffic Enforcement Unit sa ilalim ni LtCol. Geoffrey Lim, nakilala ang bus driver na si alyas “Rolando”, 36, ng San Jose del Monte, Bulacan.
Naganap ang aksidente bandang alas-6:55 ng umaga sa panulukan ng Commonwealth Ave. at Doña Carmen Avenue, Brgy. Commonwealth, ng nabanggit na lungsod.
Unang nabangga ng bus ang isang sedan hanggang sa madamay ang UV Express van, isang pampasaherong jeep, modern jeepney at anim na motorsiklo, tent ng Bureau of Animal Industry inspection site at perimeter fence ng MRT-7 railway structure.
Nabatid na nawalan ng preno ang bus kaya mabilis nang umalis ito galing sa Litex
Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad at dinala sa Rosario Maclang Bautista Hospital ang mga biktima.
Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Damage to Property at Multiple Physical Injuries ang driver ng bus.
- Latest


















