Driver’s license ng LTO official sa road crash ipinasu-surrender

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) na isurender ng isang opisyal ng kanilang ahensiya ang driver’s license nito matapos itong masangkot sa road crash, ayon sa opisyal kahapon
Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, inatasan na ang naturang LTO official na nakatalaga sa Human Resources and Management Office - LTO Regional Office 9 na isurender ang kanyang driver’s license kay LTO Regional Director Roderick Minong.
“This is proof that we neither condone nor tolerate traffic regulations violation within our ranks. As a member of the LTO family, it is our obligation to be the model of road safety and responsible driving,” pahayag ni Mendoza.
Ayon kay Mendoza napadalhan na ng show cause order ang LTO officer upang magpaliwanag kaugnay ng insidente. Una nang sinuspinde ng LTO ang lisensiya ng naturang LTO officer.
Sa rekord, ang LTO official ay nagmamaneho ng pick-up truck mula Pagadian City papuntang Zamboanga City nang biglang tumakbo ng mabilis na nagresulta nang pagbulusok ng sasakyan na naging viral sa social media.
Sinabi ni LTO Intelligence and Investigation Division chief Renante Melitante na aalamin kung ang LTO officer ay nakainom habang nagmamaneho at pagpapaliwanagin kung bakit hindi maaaring parusahan kaugnay ng kasong reckless driving at improper person to Operate a Motor Vehicle.
- Latest


















