Transparency portal ng DepEd inilunsad
MANILA, Philippines — Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Transparency Portal na “Paaralang Bukas Dashboard”, ang isang tool na idinisenyo upang gawing mas madaling ma-access at maaksyunan ang data ng paaralan para sa mga magulang, guro, lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholder.
Ipinakilala ng kagawaran nitong Sabado, Agosto 23, ang nasabing transparency portal na naaayon sa transparency agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ,na nagbibigay ng komprehensibong data sa antas ng paaralan upang isulong ang pananagutan at pakikipagtulungan sa edukasyon sa Pilipinas.
Pangunahing tampok ang mga resulta ng pag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan; mga katangian ng paaralan, kabilang ang mga numero at pasilidad ng pagpapatala; at real-time insights upang matukoy ang mga eskuwelahang may kinakailangang dagdag na suporta.
Layunin dito ang na bigyang-kapangyarihan ang mga Pilipino na maunawaan ang estado ng pag-aaral at makilahok sa paghubog sa mga solusyon, isulong ang transparency at accountability sa pamamahala, hikayatin ang pakikipagtulungan sa mga stakeholder upang mapabuti ang mga resulta ng edukasyon
- Latest























