^

Metro

Solon umapela ng reporma sa waste management, dredging ng waterways

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela ng reporma sa waste management, dredging ng waterways, relokasyon ng mga pamilyang nasa tabing  ilog at pagtatatag ng Metropolitan Manila Government si Caloocan City Congressman Edgar Erice bilang tugon sa paulit-ulit at lumalalang pagbaha sa Metro Manila.

Ayon kay Erice, hindi lamang dulot ng kakulangan sa imprastruktura, kundi higit sa lahat ng sirang sistema ng pangangasiwa ng basura. Nasaksihan niya ito sa kasagsagan ng mga bagyong Dante, Emong, Fabian, at Habagat.

Ayon kay Erice, bilyun-bilyong piso ang ginagastos ng mga lokal na pamahalaan para sa garbage collection, ngunit 60-70% ng basura ay nananatiling nakatambak sa mga kanal, estero at ilog. 

Dahil dito, nananawagan siya ng “clean up all” policy na mag-oobliga sa mga garbage contractor na linisin hindi lamang ang mga kalsada, kundi pati ang lahat ng daluyan ng tubig gayundin ang  malawakang dredging mula sa DPWH na, ayon sa mga pag-aaral, maaaring magpababa ng pagbaha ng 30-70% at magpabilis ng paghupa nito mula tatlong oras hanggang kalahating oras.

Binanggit din ni Erice na may tinatayang 600,000 pamilya ang nakatira sa tabi at ibabaw ng waterways. Hinimok niya ang pambansang pamahalaan na pabilisin ang relokasyon ng mga ito at tiyakin ang in-city relocation upang maiwasan ang kanilang pagbabalik sa mga lugar na delikado.

Bilang pangmatagalang hakbang, iminungkahi rin niya ang pagtatatag ng Metropolitan Manila Regional Administration na pamumu­nuan ng isang governor at isang metropolitan assembly. Ang layunin nito ay magkaroon ng iisang pamamahala para sa waste management, flood control, trapiko, transportasyon, land use, at urban planning – mga problemang aniya ay hindi kayang tugunan ng 17 magkakahiwalay na LGU at ng kasalukuyang “toothless” MMDA.

FLOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with