La Mesa Ecopark nakabukas sa World Environment Day
MANILA, Philippines — Pinayagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa pakikipag- tulungan ng Quezon City goverment ang Manila Water para mag-take over sa pangangasiwa ng La Mesa Ecopark bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month at World Environment Day sa darating na Hunyo.
Ang dahan-dahang rehabilitasyon ng La Mesa Ecopark ay magdudulot dito bilang isang destination of choice para sa pangangalaga ng watershed protection at climate action.
Ang Phase 1 ng rehabilitasyon ay sesentro sa mga lugar na maaaring mag-enjoy ang mga tao tulad ng Eco Academy Pavilion, Museum at Team Building Activity Centers gayundin ang Picnic Areas, Souvenir Shop, Viewing Deck, at swimming pool . Ang lahat ng ito ay bubuksan sa publiko oras na makumpleto ang gagawing repair dito.
Ang Phase 2 at Phase 3 ng rehabilitation works ay patuloy na gagawin hanggang makumpleto ang revival ng La Mesa Ecopark.
Ayon kay Manila Water President Jocot de Dios na ang re-opening ng La Mesa Ecopark ay bilang tribute sa ‘mother nature’ sa pagdiriwang ng World Environment Day at panghabambuhay na regalo ng pag-asa para sa susunod na henerasyon.
- Latest