^

Metro

Ordinansa sa ‘food calorie labeling’ inaprub sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay na ni Que­zon City Mayor Joy Belmonte ang ipinasang ordinansa ng City Council na nagtatakda sa mga restaurants, fast-food chains at iba pang kainan sa lungsod na maglagay ng calorie count sa bawat pagkain na nasa kanilang menu.

Sinabi ni Mayor Belmonte na nais niyang maging ligtas sa anumang nakakahawang sakit ang QCitizens kaya’t mainam na may calorie labeling ang mga naibebentang pagkain sa mga kainan tuloy malaya ang mamamayan na  pumili ng masustan­­­­s­yang pagkain dahil may  hawak silang tamang impormasyon tungkol sa calorie ng pagkain.

Nilinaw naman ni Belmonte na exempted sa ordinansa ang maliliit na kainan tulad ng carinderia, ambulant vendors at hawkers pero may insentibo aniya ang lokal na pamahalaan sa mga ito na boluntaryong susunod sa ordinansa.

“Hindi po sakop ng ordinansa ang ating maliliit na kainan. Pero bibigyan pa natin sila ng insentibo kapag nagkusa sila na maglagay ng calorie count sa kanilang regular na menu,” sabi ni Belmonte.

Aniya, paunti-unti naman ang gagawing compliance sa naturang ordinansa.

Sa unang taon ng pagpapatupad ng ordinansa, tanging ang mga restaurants o mga may negosyo sa pagkain na bahagi ng food conglomerates, kum­panya, grupo o  franchise na may limang  branches nationwide ay dapat sumunod sa ordinansa.

Sa ikalawang taon, ang mga restaurants o food businesses na bahagi ng isang food conglomerates, kumpan­ya, grupo o franchise na may dalawa o higit pang branch ay dapat sumunod sa ordinansa .

Habang sa ikatlong taon ng implementasyon ng ordinansa, ang lahat ng restaurants o food businesses  ay dapat  nag-comply nang lahat sa ordinansa.

Batay sa rekord ng QC Health Department, noong 2018, mayroong 19.9 percent ng mga kabataang mag-aaral at 43 percent ng mga nakatatanda ay overweight o obese.

vuukle comment

FOOD

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with