^

Metro

Chef timbog sa P1.5 milyong kush, marijuana oil

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang nagpakilalang chef sa ikinasang operasyon ng Makati City Police na nagresulta sa pagkakatimbog ng higit sa P1.5 milyong halaga ng marijuana o kush at marijuana oil, ka­makalawa ng umaga sa naturang lungsod.

Itinago muna ng pulisya ang pagkaka­kilanlan sa suspek sa alyas “R”, 33, upang hindi maapektuhan ang ikinakasa pang imbestigasyon at follow-up operation.

Sa inisyal na ulat ng Makati Police, unang dumulog sa kanila ang impormante na si alyas “Nico”, empleyado ng isang delivery service.  Isinumbong niya ang modus ng operasyon ng suspek na gina­gamit ang kanilang serbisyo sa delivery ng iligal na droga.

Dito nagkasa ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit at Substation 7 ng joint operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek dakong alas-8:20 ng Biyernes ng umaga sa loob ng delivery express company sa may Brgy. Guadalupe.

Nakumpiska ng mga pulis ang mga marijuana na nakasilid sa apat na malalaking plastic bag at 20 plastic sachet na naglalaman ng marijuana juice.  May kabuuang halaga ang iligal na droga na P1,540,000.00.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with