Mga sari-sari store, kakatuwangin ng Quezon City LGU para wakasan ang plastic pollution
MANILA, Philippines — Makakatuwang na ng Quezon City local government ang mga sari-sari stores sa lungsod sa kanilang kampanya para labanan ang basura mula sa mga plastic.
Ito ay sa pamamagitan ng ilulunsad na “Kuha sa Tingi” ng QC LGU, Greenpeace Philippines at Impact Hub Manila.
Ang proyekyo ay bilang bahagi ng pagdiriwang sa World Refill Day sa June 16.
Ang “Kuha sa Tingi” ay isang inisyatibo na bubuo sa community based refill hubs sa mga sari-sari stores upang makatulong na mapigilan ang paglaga-nap ng basura mula sa mga plastic.
Isang memorandum of understanding ang nilagdaan para dito nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Greenpeace Philippines Zero Waste Campaigner Marian Ledesma, at Impact Hub Manila Founder and CEO Ces Rondario para sa pilot roll-out ng proyekto sa mga piling “Tindahan ni Ate Joy” sari-sari stores.
‘Being sustainable and eco-friendly doesn’t have to be expensive. Our partnership with Greenpeace and Impact Hub only proves that shifting to zero waste and limiting our plastic generation is inclusive, affordable, and accessible to all, including those from all socioeconomic sectors and urban areas,’sabi ni Mayor Belmonte .
Ang mga refill stations ay ilalagay sa 30 sari-sari stores sa QC kung saan ang mga consumers ay magdadala ng kanilang sariling reusable containers para mag-refill ng basic commodities tulad ng liquid detergent, fabric conditioner, at dishwashing liquid.
Layon ng proyekto na bigyan ang mga tao ng alternatibong produkto na maaaring magamit ulit at ma-refill para maiwasan ang pagdami ng basura mula sa plastic.
Sa nagdaang report ng University of Portsmouth sa United Kingdom , ang reuse systems ay nagbabawas ng plastic pollution ng may 30 percent sa taong 2040.
- Latest