^

Metro

Bebot itinumba sa Baclaran

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 35-anyos na babae nang barilin sa ulo ng hindi pa tukoy na salarin, sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Parañaque City Police Station commander P/Colonel Renato Ocampo, ang biktimang si Manilyn Acuesta Guinto, residente ng Bagong Ilog St., Brgy.  Baclaran, Parañaque City.

Sa ulat, unang rumesponde  Capt Mythor Santos, PSSg Albert Arenas, at Patrolman Mamet Mendoza sa tawag ng concerned citizen hinggil sa pamamaril.

Dakong alas- 8:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa Dimasalang Extension, Brgy. Baclaran, Parañaque.

May narinig umanong dalawang putok ng baril ang mga residente at nakita na nakahandusay at duguan ang babae na agad itinawag sa Baclaran Police Sub-Station.

Natagpuan ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng kalibre 45. Baril.

Nakikipag-ugnayan din ang awtoridad sa ilang kabahayan sa lugar na may closed circuit television (CCTV) upang alamin kung nahagip ang pangyayari na maaring pagbatayan sa isinasagawang imbestigasyon.

May impormasyon din sa nasabing barangay na ang biktima ay isang drug surrenderee.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with