^

Metro

Presyo ng lechon, tumaas na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng lechon, tumaas na
Nabatid na ang dating P1,000 halaga sa kada kilo ng lechon ay umaabot na sa kasalukuyan sa hala­gang P1,200 ang kada kilo.
Freeman/File

MANILA, Philippines — Habang mahigit pa sa isang buwan bago ang Kapaskuhan ay nagtaas na ang presyo ng lechon baboy sa lechon capital of the Philippines sa La Loma, Quezon City.

Nabatid na ang dating P1,000 halaga sa kada kilo ng lechon ay umaabot na sa kasalukuyan sa hala­gang P1,200  ang kada kilo.

Dahil dito ay nasa P6,500 na ang presyo ng pinakamaliit na size ng lechon mula sa da­ting P4,000 hanggang P4,500 lamang.

Ayon kay Mang Ryan Ferreros, may-ari ng Ryan’s lechon, ang mga sang­kap sa pagluluto ng le­chon ang dahilan ng pagtataas sa presyo nito.

Ayon kay Ferreros, ma­taas ang presyo ng si­buyas, bawang at asukal at iba pang sangkap sa paggawa ng lechon kaya’t kailangan din  nilang magtaas ng presyo.

Umaasa ang mga may-ari ng litsunan sa La Loma QC na makakabawi rin sila sa kita kahit paano nga­yong Pasko dahil dalawang taon nang nagsakripisyo ang lechon industry dahil sa pagtama ng pandem­ya at maging ng African swine fever sa bansa.

vuukle comment

LECHON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with