^

Metro

P2.5 milyon halaga ng ketamine, nasabat ng BOC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang P2.5 milyong halaga ng ketamine na nakatago sa mga picture frame sa Port of Clark sa Pampanga.a

Ayon sa BOC, naharang ang shipment na naglalaman ng nasabing iligal na droga na nagmula sa Madrid, Spain noong Hunyo 21, 2022 na nakadeklarang “Marco Dela Foto” o photo frames.

Lumabas sa X-ray scan ang kahina-hinalang imahe kaya’t isinailalim sa physical examination.

Natukoy ng port officials na ang dalawang malalaking picture frames sa loob ng cargo ang nakatagong 500 gramo ng white crystalline substance na nakasingit sa pagitan ng transparent polycarbonate plates.

Sa field testing ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CADTF) , natukoy ang presensya ng ketamine sa nasabing substance.

Ang ketamine ay kabilang sa ikinukunsiderang dange­rous drug na ipinagbabawal sa bansa sa ilalim ng Republic Act  9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Kinumpirma naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang samples na ipinadala ng CADTF ay ketamine.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with