^

Metro

Mayor Emi, nangunguna sa Pasay – survey

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nananatiling si re-electionist Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang preferred choice o pinipiling maging pinuno ng lungsod.

Resulta ito ng  isinagawang survey noong nakaraang buwan ng Social Weather Stations Inc. (SWS).

Base sa survey, 83 porsyento ang nagnanais na maipagpatuloy pa ni  Mayor Emi ang kanyang nasimulang mga programa at proyekto sa lungsod.

Ayon sa ilang tagamasid, malinaw na pinatutunayan ng survey na ang masigasig na pagseserbisyo ni Mayor Emi sa loob ng nakaraang tatlong taon ng panunungkulan ang pinagbasehan ng mga mamamayan sa  pagpili sa kaniya. Dagdag nila, nais nilang maipagpatuloy pa ni Mayor Emi ang estilo ng kaniyang serbisyo.

Si Mayor Emi ay aktibong nagpapatupad ng kaniyang platapormang naka-sentro sa healthcare and housing; education, economic growth at environment; livelihood at lifestyle; peace and order (H.E.L.P.) mula pa sa pagsisimula ng kaniyang termino.

Sa naturang survey ay 77 porsyento naman ang nagsabing iboboto nilang vice-mayor si Ding Del Rosario, habang 87 porsyento ang nagdeklarang iboboto nilang muli bilang kinatawan ng lungsod sa Kongreso si Congressman Tony Calixto.

vuukle comment

EMI CALIXTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with