^

Metro

Taga-Rizal, instant milyonaryo sa lotto!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Taga-Rizal, instant milyonaryo sa lotto!
Ayon kay PCSO ge­neral manager Royina Garma, nasa P10,032,090.40 jackpot prize ang naiuwi ng masuwerteng mananaya matapos na mahulaan ang six-digit winning combination ng Regular Lotto 6/42 na 21-05-09-03-01-12.
Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Solong napanalunan ng isang taga-Rizal ang jackpot prize ng Regular Lotto 6/42 na binola ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay PCSO ge­neral manager Royina Garma, nasa P10,032,090.40 jackpot prize ang naiuwi ng masuwerteng mananaya matapos na mahulaan ang six-digit winning combination ng Regular Lotto 6/42 na 21-05-09-03-01-12.

Nabili ng lucky bettor ang kanyang winning lotto ticket sa San Mateo, Rizal.

Kaugnay nito, pi­nayuhan naman ni Garma ang lucky bettor na upang makuha ang kanyang premyo, ay magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang balidong ID cards at ang kanyang winning ticket.

Samantala, mayroon pang 69 na iba pang mananaya ang nakapag-uwi naman ng second prize na tig-P24,000 matapos na makahula ng limang tamang numero.

Ang Regular Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

vuukle comment

LOTTO

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with