^

Metro

Command post para sa disaster at relief operations, itatayo ng EPD

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Command post para sa disaster at relief operations, itatayo ng EPD
Ayon kay EPD Director PBGen. Matthew Baccay, bahagi ito ng kanilang Disaster Response mission lalo pa’t bantad sa pagbaha ang kanilang nasasakupan o area of responsibility.
The STAR/Felicer Santos

MANILA, Philippines — Nakatakdang magtatag ang Eastern Police District (EPD) ng isang command post sa mga lungsod na kanilang nasasakupan, na siyang tututok sa kanilang mga disaster at relief ope­rations sa panahon ng mga kalamidad.

Ayon kay EPD Director PBGen. Matthew Baccay, bahagi ito ng kanilang Disaster Response mission lalo pa’t bantad sa pagbaha ang kanilang nasasakupan o area of responsibility.

Ipinaliwanag ni Baccay na magsisilbing tagatanggap ng lahat ng ulat ang command post at siyang makiki-pag-ugnayan sa concerned agencies para sa naaangkop na aksyon dito.

Ito rin aniya ang manga-ngasiwa sa mga relief ope­ration partikular sa mga lugar na higit na nanganga­i­langan ng tulong mula sa mga lokal na pamahalaan.

Kabilang ang mga lungsod ng Marikina at Pasig, sa mga nakaranas ng pinakamatinding hagupit ng mga nagdaang Pepito, Quinta, Tonyo at Ulysses, habang apektado rin naman ang mga lungsod ng Mandaluyong at San Juan.

 

vuukle comment

EASTERN POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with