^

Metro

Electrician, huli sa 1 kilo ng shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang electrician matapos na mahulihan ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa isang operasyon sa Cubao, Quezon City ka­makalawa.

Batay sa ulat ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakilala ang suspek na si Jayson Legaspi, at residente ng naturang lungsod.

Nabatid na dakong alas-11:00 ng gabi ka­makalawa nang maaresto ang suspek sa isang buy-bust operation sa EDSA, Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang PDEA hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek, na batay sa kanilang intel report ay may limang ulit na umanong nag-deliber ng ilegal na droga, kaya’t kaagad na nagkasa ng operasyon, na nagresulta sa pagkakadakip ng mga ito.

Ayon sa PDEA, bago naaresto ay may isang linggo umano nilang minanmanan ang suspek na sinasabing mi­yembro ng isang sindikato na nagbabagsak ng malakihang halaga ng illegal na droga sa Cubao.

Depensa naman ng suspek, nangangalakal lamang siya noon nang may lumapit na lalaki sa kanya at hinikayat siyang ideliber ang isang paper bag kapalit ng pera.

Dahil kailangan umano niya ng pera ay pumayag siya ngunit hindi umano niya batid na shabu pala ang laman ng naturang paper bag.

vuukle comment

ELECTRICIAN

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with