^

Metro

Kelot biktima ng hit-and-run sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang panibagong biktima ng hit- and-run sa lungsod ng Maynila, kahapon ng ma­daling araw.

Nakilala ang nasawi na si Dilfredo Dionson Baclaan, 40, binata, ng Arroceros St., Doctor Basa, Ermita, ng natu-rang lungsod.

Sa ulat ng Ermita Police Station 5 ng Manila Police District, alas-2:10 ng madaling-araw nang makatanggap sila ng tawag ukol sa isang aksi­dente na naganap sa may Roxas Boulevard malapit sa kanto ng Remedios St. sa Brgy. 699 Zone 76 Malate.

Dito inabutan ng mga pulis ang biktima na duguan sa kalsada. Rumes­ponde naman ang ambulansya ng MMDA ngunit idineklara ng kanilang team leader na wala nang buhay ang biktima.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang MPD Traffic Enforce­ment Unit kabilang ang pagsusuri sa CCTV came­ra sa lugar sa pag-asang matutukoy ang uri ng sasakyan at ang tsuper na tumakbo sa kaniyang biktima.

vuukle comment

KELOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with