^

Metro

Pagkasawi ni ex-Mayor Lim, may paalala pa rin sa Manilenyo – Isko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagkasawi ni ex-Mayor Lim, may paalala pa rin sa Manilenyo � Isko
Pansamantalang pinatay ang ilaw at inihinto ang pagtakbo ng golden clock tower ng Manila City Hall matapos pumanaw si dating Manila Mayor Alfredo Lim bilang hudyat ng pakikiramay, paggalang at pasasalamat sa hindi matatawarang serbisyo nito sa mga Manilenyo.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Itinuturing ng ama ng Maynila na ang pagpanaw ni dating senator at Manila Mayor Alfredo Lim dulot ng coronavirus disease (COVID-19) ay huling serbisyo nito sa mga Manilenyo para ipaalala ang ibayong pag-iingat laban sa virus.

“If I may look it that way, I think Mayor Lim did service for us to remind us to be careful. Pag-ingatan natin ang ating sarili,” ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno sa opisyal niyang pahayag nitong Sabado ng gabi.

Kasabay nito, nagpahayag si Moreno ng taus-pusong pakikiramay sa naulilang pamilya ni Lim na inialay umano ang malaking bahagi ng kanyang buhay sa pagseserbisyo sa lungsod ng Maynila kabilang na ang 30-taon na pagseserbisyo nito bilang pulis.  Nag-umpisa siya bilang patrolman hanggang maging heneral, bilang direktor ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang punong-himpilan ay nasa Ermita, Maynila at hanggang sa maging alkalde ng lungsod.

“Si dating Mayor Alfredo Lim ay sumakabilang buhay na po dala ng pagkaka-impeksyon niya sa COVID-19 ilang araw na po ang nakararaan ngunit hindi na rin po kinaya ng kaniyang katawan at opisyal na po siyang dineklara na sumakabilang-buhay,” ayon kay Moreno.

Ipinaalala rin ni Moreno sa mga taga-Maynila ang kontribusyon ni Lim sa katiwasayan ng lungsod sa istriktong pagpapatupad ng batas laban sa mga kriminal, mga ipinatayong imprastruktura na napapakinabangan ngayon ng mga Manilenyo kabilang ang Sta. Ana Hospital, Gat. Andres Bonifacio, Sampaloc at iba pang ospital, at ang Universidad de Manila na nagbibigay ng libreng edukasyon sa mga kabataan ng Maynila.

Ani Moreno, nang manalo siya noong nakaraang eleksyon bilang alkalde, agad siyang nagtungo kay Lim para humingi ng payo ukol sa pagpapatupad ng batas at peace and order sa lungsod.

Bilang pagpapakita rin ng pakikiramay, paggalang at pasasalamat sa da­ting alkalde, ipinahinto ni Moreno ang pagtakbo ng pamosong clock tower ng City Hall building.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with