^

Metro

Ilang bahagi ng Quezon City, Rizal, Cavite mawawalan ng kuryente

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ilang bahagi ng Quezon City, Rizal, Cavite mawawalan ng kuryente
Sa inilabas na maintenance schedule ng Meralco, unang makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Maginoo Street, mula sa malapit sa Matiyaga Street, kabilang ang Maparaan Street sa Brgy. Central Diliman, Quezon City ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon bukas, Marso 3. Dulot ito sa isasagawang pole replacement at paglalagay ng mga pasilidad sa Maginoo Street.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inianunsyo kahapon ng Manila Electric Company (Meralco) na makakaranas ng power interruption ang ilang bahagi ng Quezon City at mga kalapit na lalawigan ng Rizal at Cavite dahil sa ikinasang maintenance works.

Sa inilabas na maintenance schedule ng Meralco, unang makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Maginoo Street, mula sa malapit sa Matiyaga Street, kabilang ang Maparaan Street sa Brgy. Central Diliman, Quezon City ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon bukas, Marso 3. Dulot ito sa isasagawang pole replacement at paglalagay ng mga pasilidad sa Maginoo Street.

Samantala, sa Marso 4, makakaranas ng power interruption ang bahagi ng Cardiac Street, mula Wedgewood Avenue, kabilang ang ilang lugar sa Ayala Westgrove Heights Subdivision at Golf View Terraces Sales Office sa Brgy. Inchican at Tibig, sa Silang, Cavite mula 9:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon. Dahil umano ito sa pagpapalit ng mga pasilidad sa Wedgewood Avenue, sa Barangay Inchigan sa Silang.

Sa Cainta, Rizal, apektado ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Ortigas Avenue Extension, mula sa malapit sa Jollibee-Valley Golf, kabilang ang Night Shift Disco Pub, Petron Gas Station, Manhattan Lumber, Fibertex Building, NGH Philippines, Mandaue Foam, at Metrobank gayundin ang buong Mariano Subdivision, maliban sa bahagi ng Robin Street, mula Ortigas Avenue Extension, kabilang ang Flamingo Street, sa Brgy. San Juan. Dahil ito sa relokasyon ng mga pasilidad na apektado ng DPWH road project sa Ortigas Avenue Extension sa Brgy. San Juan, Cainta na nakatakda ng alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-5:00 ng madaling araw sa Sabado, Marso 7.

vuukle comment

BROWNOUT

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with