^

Metro

Chinese na nandura sa pulis, palayasin sa bansa-Isko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Chinese na nandura sa pulis, palayasin sa bansa-Isko
Nais ni Moreno na huwag nang makapa­merwisyo pa ang dayuhan si Zhou Ziyi, sa oras na makalabas ng bilangguan sa patung-patong na kasong kinakaharap nito kabilang ang traffic violations, possession of illegal drugs at iba pa na pawang ‘bailable’ o maaring piyansahan.
Russell Palma/File

MANILA, Philippines — Inatasan ni Manila Mayor Isko Moreno ang  Special Mayor’s Reaction Team (SMART) na makipag-ugnayan sa Bureau of Immigration para maiproseso ang deportasyon at maisama sa blacklist  ang Chinese national na nandura ng pulis na umaaresto sa kanya sa Tondo, Maynila, noong Huwebes ng umaga.

Nais ni Moreno na huwag nang makapa­merwisyo pa ang dayuhan si Zhou Ziyi, sa oras na makalabas ng bilangguan sa patung-patong na kasong kinakaharap nito kabilang  ang traffic violations, possession of illegal drugs at iba pa na pawang ‘bailable’ o maaring piyansahan.

 Ani Moreno kay SmaRt chief, P/ Major Rosalino Ibay Jr., na nais niyang maipabalik na sa kanyang bansa ang dayuhan dahil sa posibilidad na muli itong makagawa ng krimen, hindi lamang sa Maynila.

  Nabatid na nakipag-ugnayan na rin si Moreno kay BI intelligence  chief, Jun Manahan para sa mabilis na pagpapatapon palabas ng bansa sa dayuhan na itinuturing na ‘un­desirable alien’.

 Nabatid na umaga ng Peb. 6 nang parahin ng mga tauhan ng manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang Toyota Fortuner NBT 7767 na minamaneho ni Zhou dahil coding violation sa bahagi ng Plaza Lorenzo Ruiz , sa Reina Regente at Quintin Paredes St.,Binondo, Maynila .

 Sa halip na huminto ay humarurot at inararo nito ang mga dinaanang sasakyan na nauwi sa habulan hanggang sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue at Tayumanst., kung saan nabangga niya rin ang iba pang mga sasakyan at mawasak  ang motorsiklo ng traffic enforcer na humabol sa kanya. Dinuraan pa ng suspek ang naka-unipormeng pulis na umaaresto sa kanya.

Nabatid din na bangag sa shabu ang suspek at nakuhanan pa siya ng humigit kumulang sa kalahating gramo ng shabu sa sasakyan at walang papeles ang pagmamaneho nito.

vuukle comment

CHINESE

ISKO MORENO

YORME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with