^

Metro

Brgy. officials, tinagubilinan sa fake news issue sa nCoV

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinagubilinan ni Que­zon City Mayor Joy Belmonte ang mga barangay officials ng lungsod  na huwag maniniwala sa mga lumalaganap na fake news patungkol sa nakamamatay na nCoV virus.

Sa ginawang pag­harap ni Belmonte sa ipinatawag na meeting sa mga barangay officials kahapon sa QC Circle, pinayuhan ang mga ito ng Alkalde na huwag maniniwala sa mga maling balita tungkol sa nCoV.

“Sinabihan ko sila na huwag maniniwala sa mga fake news. Wala pa po tayong kumpirmadong kaso ng nCoV sa QC, pero tayo po ay handa na para rito.”pahayag ni Belmonte.

Anya, sinabihan din niya ang mga barangay officials na kung may mga suspected nCoV victims na itatawag sa kanilang mga tanggapan ay huwag nila itong tatanggapin bagkus ay itawag sa ­ating tanggapan para sa kaukulang aksyon.

“Sinabi ko sa kanila na kung may tatawag sa kanila para magpapakuha ng suspected nCoV  patient ay sabihin lamang nila na itawag sa ating hotline sa 122, huwag nilang pupuntahan dahil mayroon po tayong naitalagang team para sila mismo ang mangangasiwa sa ganitong kaso” dagdag  ni Belmonte.

Ani Mayor Belmonte, may 3 taga QC ang kanilang minomonitor pero ang dalawa rito ay nakauwi na at negatibo sa nCoV.

 “Wag silang matatakot wala pang kaso ng nCoV sa QC, nakahanda ang ating mga ospital, ang QC General Hospital, Maclang Hospital at Novaliches district hospital para umasiste sa kanila, kumpleto tayo sa pasilidad at gamit at maging ang mga private hospitals at government hospitals sa QC ay handa rin sa ganitong kaso”sabi pa ni Belmonte.

vuukle comment

NCOV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with