^

Metro

Patay na baby sa paper bag, inabandona sa jeep

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng isang sanggol na lalaki na isinilid sa isang paper bag, ang inabandona ng isang babae sa sinakyan niyang pampasaherong jeep sa Brgy. Hagdan Bato Libis, Mandaluyong City kahapon ng hatinggabi.

Ang ‘di pa nakikilalang sanggol ay inilarawan lamang na nagkaka-edad ng 3 hanggang 6 buwang gulang, ay nakabalot ng puting panyo at nakasuot ng puting diaper.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong alas-12:00 ng hatinggabi nang madiskubre ang bangkay ng sanggol sa loob ng naturang sasakyan, habang bumabagtas ito sa Acacia Lane, Brgy. Hagdan Bato Libis.

Ayon sa ilang saksi, sakay sila ng naturang pampasaherong jeep nang mapunang naiwan ng isang ‘di kilalang babae, na nakasuot ng itim na damit, ang dala niyang paper bag.

Dito na umano sila nagpasyang pahintuin ang jeep at ihabol ang paper bag sa babae.

Gayunman, hindi na umano nila makita ang babae kaya’t humingi ng tulong sa nagpapatrulyang Bantay Bayan sa lugar.

Gayunman, nang tingnan ng mga Bantay Bayan ang laman ng bag ay nagulantang sila na bangkay pala ito ng sanggol na lalaki, kaya’t ini-report na lamang sa mga awtoridad.

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad kung sino ang babaeng nagtapon sa sanggol upang maimbestigahan.

vuukle comment

SANGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with