^

Metro

P1 milyon beauty products kinumpiska ng NBI

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P1 milyong halaga ng beauty products  na walang permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Kasama sa higit 20 produktong nakumpiska ng NBI Special Action Unit ang mga peeler, pampaputi, anti-aging products, at glutathione soap.

Wala ring detalye ang packaging ng ilang produkto gaya ng expiration at kung kailan ginawa.

Ikinasa ng NBI ang pagsalakay sa pagawaan sa bisa ng search warrant.

Tumangging magbigay ng panayam ang mga tauhan ng kompanya pero inamin nilang wala silang FDA permit.

Ayon kay Kristine Dela Cruz, executive officer ng NBI Special Action Unit, hindi rin maayos ang paghawak ng mga kemikal at kalinisan sa pagawaan.

Kakasuhan ang may-ari ng kompanya ng paglabag sa Food and Drug Administration Act.

vuukle comment

BUREAU OF INVESTIGATION

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with