^

Metro

4 holdaper, bulagta sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
4 holdaper, bulagta sa shootout
Ang dalawa sa apat na holdaper na bumulagta matapos na makipagpalitan ng putok ng baril sa mga umaarestong pulis.
Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA,Philippines — Bulagta ang apat na holdaper ng isang gasoline station at convenience store matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Payatas Road, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Hindi pa nakikilala ang apat dahil walang identification card na nakuha sa kanilang katawan.

Ayon kay P/Lt. Col. Joel Villanueva, hepe ng Batasan Police Station, dakong alas-2:30 ng madaling araw ay nakatanggap sila ng impormasyon na hinoldap ng apat na lalaki ang isang gasolinahan at isang convenience store sa Payatas Road kaya agad na naglatag ng hot pursuit at dragnet operation.

Naispatan ng mga nagpapatrolyang pulis ng QCPD Station 6 ang apat, base sa description na ibinigay sa kanila ng gasoline boy kaya pinara nila ang mga ito, pero sa halip na huminto ay pinaharurot pa nila ng takbo ang kanilang mga motorsiklo at pinaputukan ang mga awtoridad.

Nagkaroon ng ‘running gun battle’ hanggang sa makorner ng mga awtoridad pero sa halip na sumuko ay nanlaban pa ang ito na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Narekober ng pu­lisya sa mga suspek ang ninakaw na P12,000 cash at tatlong cellphone, apat na baril at mga bala, dalawang motorsiklo at mga pakete ng shabu.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with