^

Metro

Libreng WiFi sa Maynila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Libreng WiFi sa Maynila
Ipinakikita nina Manila Mayor Isko Moreno at PLDT-Smart President Manny Pangilinan ang mga dokumentong nilagdaan nila kahapon para sa libreng WiFi.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Isa-isa nang natutupad ang mga  programa ni Manila Mayor Isko Moreno matapos na magkapirmahan sila ni Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) at  Smart  Communication, Inc. Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Manny V. Pangilinan kahapon  ng  memorandum of agreement (MOA) para  sa paglalagay ng Smart WiFi  sa lungsod. 

Sa isang  simpleng sere­monya, sinabi ni Pangili-nan na ang free Smart WiFi ay ilalagay sa Ospital ng Maynila, Tondo Medical Center, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Unibersidad de Manila at Museo Pambata. 

Sinabi ni Pangilinan na layon ng free WiFi, na mabig­yan ng mabilis na  access sa komunikasyon ang lungsod gayundin ang mismong tanggapan ng city hall, ospital at unibersidad.

Ayon kay Pangilinan, suportado din niya ang pro­yekto ni Moreno na pag­lalagay ng CCTV cameras sa buong lungsod.

Idinagdag pa ni Pangi­linan na  malaking karangalan sa kanila ang   signing ng memorandum of agreement para sa paglaan ng  mabilis at libreng Smart WiFi.

Handa rin si  Pangilinan na mag-donate para sa pagpapatayo ng fountain sa Bo­ni­facio Shrine na ilang hakbang lang mula sa city hall.

Nagpasalamat naman si Moreno kay Pangilinan sa pagiging ‘generous’ at umaasang hindi magsasawang tumulong sa  mga proyekto ng Maynila na pakikinabangan ng marami.

vuukle comment

ISKO MORENO

PHILIPPINE LONG DISTANCE TELEPHONE COMPANY

SMART WIFI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with