^

Metro

P.2-M reward vs cop killer

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P.2-M reward vs cop killer

MANILA, Philippines — Naglabas  ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng P200,000 reward para sa sinumang magiging tulay para madakip ang lala­king bumaril at pumatay sa isang tauhan ng Malabon City Police noong Miyerkules ng gabi.

Kasabay ng paghahayag ng reward money, kinondena ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta ang pagpaslang kay P/SSgt. Orland “Lucky Boy” De Leon, nakatalaga sa Station Drug Enforcement Team ng Malabon Police.

Naging mahigpit ang bilin ni Oreta kay Malabon City Police chief, Col. Jessie Tamayo na agad na resolbahin ang kaso, dakpin ang gunman ma­ging ang mga nasa likod ng pamamaslang.

 Kilala si De Leon sa Malabon sa kanyang aktibong kampanya kontra iligal na droga at responsable sa pagkakadakip ng mga notoryus na tulak ng droga sa lungsod.

 Matatandaan na inam­bush si De Leon ng isang lalaking sakay ng motorsiklo dakong alas-6:11 nitong Miyerkules ng gabi sa Araneta Avenue sa Brgy. Potrero.

Nagtamo siya ng 14 na tama ng bala sa katawan na nagresulta sa kanyang agarang pagkasawi habang nagawang makatakas ang salarin.

vuukle comment

COP KILLER

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with