^

Metro

4-anyos lasog sa police car

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
4-anyos lasog sa police car
Nakilala ang nasawing paslit na si Camilo Asis, 4, ng Kapitan Ambo Street, Brgy. 78 Zone 10, ng naturang lungsod.
File Photo

MANILA, Philippines — Lasog ang isang batang lalaki makaraang mabundol ng isang police car sa Pasay City,  kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawing paslit na si Camilo Asis, 4, ng Kapitan Ambo Street, Brgy. 78 Zone 10, ng naturang lungsod.

Nasa kustodiya naman ng Pasay City Police ang kanilang tauhan na nakabangga na si P/Corporal Ramil Avecilla II, 34, nakatalaga sa Baclaran Police Community Precinct.

Sa ulat, minamaneho ng pulis ang isang Mitsubishi Montero J-18 dakong alas-4:20 ng hapon nang hindi umano niya mapansin ang batang si Asis na naglalaro sa kalsada hanggang sa tuluyan niyang mabundol.

Agad na nagpreno si Avecilla at isinugod ang bata sa Pasay City General Hospital ngunit binawian din ng buhay dakong alas-5:23 ng hapon. Nangako naman ang pamunuan ng Pasay City Police na sasagutin ang lahat ng gastos sa pagamutan at pagpapalibing sa bata habang itutuloy ang pagsasampa ng kasong homicide through reckless imprudence laban kay Avecilla sa Pasay City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

PASAY CITY ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with