^

Metro

Manila Zoo, hindi ibebenta-Isko

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Manila Zoo, hindi ibebenta-Isko
Ito ang pagtiyak ni Manila Mayor-elect Isko Moreno kasabay ng pagpawi sa pangamba ng mga Manilenyo na ibebenta ang zoo na isa sa itinuturing na landmark sa Maynila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi ibebenta ang Manila Zoo.

Ito ang pagtiyak ni  Manila Mayor-elect Isko Moreno kasabay ng pagpawi sa pangamba ng mga Manilenyo na  ibebenta ang zoo na isa sa itinuturing  na landmark sa  Maynila.

Ayon kay Moreno, dodoblehin niya ang pagsasaayos ng  Manila Zoo gayundin ang pangangalaga sa mga hayop na atraksiyon sa mga namamasyal.

Sisiguraduhin din niya na tama ang pagpapakain sa mga hayop na pinaka-importante upang maiwasan ang pagkakasakit. Binigyan diin ni Moreno na poprotektahan niya ang lahat ng pasyalan sa lungsod para na rin sa susunod na henerasyon.

Nabatid na nakatakda din niyang ayusin ang Arroceros Park na sinasabing ‘last lung’  sa Lawton. Aniya gagawin itong isa pang pasyalan  sa lungsod.

Ang Arroceros park ay may lawak na 2.2-hectare at matatagpuan sa tabi ng tanggapan ng Division of  City Schools.

Enero nang ipasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Manila Zoo matapos na matukoy na isa sa mga pinaggagalingan ng  maruming tubig patungong Manila Bay.

vuukle comment

MANILA ZOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with