^

Metro

‘Tulak’ dedo sa shootout: P2-M shabu nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga operatiba ng Quezon City Police Station (PS) 7 matapos mapatay sa shootout ang isang notoryus na drug pusher habang mahigit naman sa P2 milyong  halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang follow-up operation sa  Taguig City kamakalawa.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang napatay na drug pusher  na si Alex Abdul,  alyas Manila Boy ng Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Arestado naman ang lima pa nitong kasamahan na sina Jenny Lynne Poja, 31; Maria Cristina Barrera, 28; Romeo Santizas, 41; Marissa Cilamor, 30 at Mark Padilla, 20; pawang ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Esquivel, ang operasyon ay follow-up  sa naunang anti-drug operation ng PS 7 sa Brgy. San Roque, Cubao noong Pebrero 28, 2019 na nagresulta sa pagkakakaaresto sa dalawang drug suspects  kabilang ang No. 3 drug personality ng PS 7. Nakumpiska sa mga ito ang 20 sachet ng shabu.

Nabatid na ikinanta naman ng mga suspect ang grupo ni Abdul sa Taguig City kaya nagsagawa ng follow-up  at buy-bust operation ang mga operatiba.

Nakatunog ang suspect na si Abdul na agad nagpaputok sa mga operatiba na nauwi sa shootout na siya nitong ikinasawi  habang arestado naman ang limang iba pa na nasa loob ng bahay nito nang isagawa ang operasyon.

vuukle comment

QUEZON CITY POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with