^

Metro

Vendor sa Quiapo, kalaboso sa sumpak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Vendor sa Quiapo,  kalaboso sa sumpak
Nakilala ang nadakip na si Peter Coderias, tindero ng rosaryo, at residente ng Area 3 Samadores Luzon Avenue, Old Balara, Quezon City, sa reklamong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal possession of firearm and ammunition.

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang 42-anyos na vendor nang matukoy na may dalang sum­pak na kargado ng bala habang nasa labas ng Minor Basilica of the Black Nazarene, sa Quiapo, Maynila, ka­­makalawa ng hapon.

Nakilala ang nadakip na    si Peter Coderias, tindero ng rosaryo, at residente ng Area 3 Samadores Luzon Avenue, Old Balara, Quezon City, sa reklamong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal possession of firearm and ammunition.

Sa ulat ni PO1 Niel Patrick Galiza ng Manila Police District-Station 3, dakong-12:50 ng hapon nitong Linggo nang arestuhin si Coderias sa Quezon Boulevard, sa tabi lamang ng Quiapo church.

Nagsasagawa umano ng clearing operations ang mga guwardiya at K9 handlers  ng simbahan nang tumunog umano ang metal detector nang madaanan ang bag na nakasabit sa gilid ng simbahan.

Kinuha ang bag at muling itinabi ang metal detector at nakumpirma na may metal kaya inalam kung kanino ang bag at  natukoy ang suspek.

Inako ng suspek na sa kaniya ang bag kaya agad na pinabuksan at doon lumantad ang isang sumpak na may dalawang 12-gauge live ammunition.

vuukle comment

MINOR BASILICA OF THE BLACK NAZARENE

VENDOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with