^

Metro

Salvage victim na Chinese looking, itinapon sa Smokey Mountain

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng lalaki na nakagapos ang mga kamay at paa, nababalot ng packaging tape ang mukha at mara-ming hiwa at galos ang katawan ang natagpuan sa likod ng isang container  sa Road 10  sa Smokey Mountain, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ni Insp. Dennis Javier, hepe ng follow-up team ng Manila Police District-Homicide Section, inaalam pa ang pagkakilanlan ng biktimang inilarawan sa edad na 20-25 anyos, nasa 5’10 ang taas, katamtaman ang katawan, nakasuot ng itim na sweat shirt, pantalon na kulay brown at green ang sapatos.

Isang pahinante ng truck ang nakadiskubre sa bangkay alas-10:30 ng gabi nang magtungo siya sa container van.

Naniniwala ang pulisya na posibleng tinorturte muna hanggang sa mapatay ang biktima sa ibang lugar at doon lamang itinapon sa pinagkatagpuang lugar.

Nakuhanan sa bulsa ng pantalon ng biktima ang dalawang sachets ng shabu.

vuukle comment

CRIME

SALVAGE VICTIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with