^

Metro

Akyat-bahay na-‘wow mali’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Akyat-bahay  na-�wow mali�
Matagumpay na nakulimbat ng dalawang suspek ang iba’t ibang gamit tulad ng kanyang wallet, sling bag, relo at pera na nagkakahalaga ng P50,000.

MANILA, Philippines — Isa sa dalawang miyembro ng ‘Akyat Bahay Gang’ ang naaresto matapos  tangkain pang gahasain ang natutulog na biktima na inakala niyang  babae pero ‘yun pala ay lalaki sa Que­zon City ka­hapon ng ma­daling araw.

Ang suspek ay kinilalang si Jeff Baluyot, 29, residente ng Brgy. Palanggang Dinalupihan Bataan.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Station 9, nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling araw nang pasukin ng suspek at isa pa nitong kasama ang isang bahay sa Project 2, Quezon City.

Matagumpay na nakulimbat ng dalawang suspek ang iba’t ibang gamit tulad ng kanyang wallet, sling bag, relo at pera na nagkakahalaga ng P50,000.

Papalabas na sana ang dalawang suspek sa inakyat nilang tahanan nang bumalik si  Baluyot sa kuwarto ng biktima na noon ay mahimbing na natutulog at nakakumot.

Unti-unting, itinaas ng suspek ang kumot saka hinubaran nito ng pang-ibabang suot ng biktima para sana gahasain, pero nagulat ito na lalaki rin ang natutulog na biktima  kaya ito nagising at agad na sinipa.

Nagtatakbo ang suspek pero hinabol siya ng biktima at agad na nakahingi ng tulong sa mga awtoridad na nag­resulta ng pagkakaaresto ni Baluyot habang nakatakas naman ang kanyang kasama.

Nabawi pa ang ilang gamit ng biktima mula sa nada­kip na si Baluyot habang ang ibang gamit ay tuluyang natangay ng nakatakas na suspek.

Nahaharap ngayon si Ba-luyot sa kasong theft at acts of lasciviousness ha­bang nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga awtoridad para madakip din ang kanyang kasama.

vuukle comment

AKYAT BAHAY GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with