^

Metro

Anak ng comedian tiklo sa 1-kilong marijuana

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Anak ng comedian tiklo sa 1-kilong marijuana
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) P/Chief Supt. Joselito Esqui-vel Jr. ang mga suspek na sina Michael Clarion, alyas “Kelo”, anak ng actor/comedian na si Dinky Doo; at kasamahan na sina Junard Salas at Jerome Lorenzo, pawang residente ng Palawan St., Brgy. Pag-asa, Quezon City.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Arestado sa mga awto­ridad ang anak ng isang kilalang actor/commedian at dalawa nitong kasamahan sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) P/Chief Supt. Joselito Esqui-vel Jr. ang mga suspek na sina Michael Clarion, alyas “Kelo”, anak ng actor/comedian na si Dinky Doo; at kasamahan na sina Junard Salas at Jerome Lorenzo, pawang residente ng Palawan St., Brgy. Pag-asa, Quezon City.

Nabatid mula kay QCPD Station 4 commander, P/Supt. Rossel Cejas na ang tatlo ay nadakip dakong alas-10:30 ng gabi sa Road 8, Brgy. Pag-asa, sa lungsod. Nakuha sa mga suspek ang halos isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahala-   ga ng P95,000, drug pharaphernalia at buy bust money.

Ayon kay Supt. Cejas, matagal na nilang sinusu-baybayan ang kilos ng mga suspek makaraang matukoy na sila ang nagtutulak ng marijuana at bawal na droga kaya isinagawa ang buy bust operation laban sa kanila.

Nahaharap ngayon sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

vuukle comment

BUY BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with