^

Metro

DOTr humingi ng paumanhin sa tumutulong tubig sa MRT-3

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOTr humingi ng paumanhin  sa tumutulong tubig sa MRT-3
Ayon sa DOTr, ang pagtulo ng tubig ay mula sa air-conditioning unit (ACU) ng isang southbound train ng MRT-3 kamakalawa ng hapon.

Mga pasahero nagpayong

MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa tumutu­long tubig sa loob ng bumibiyaheng tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa DOTr, ang pagtulo ng tubig ay mula sa air-conditioning unit (ACU) ng isang southbound train ng MRT-3 kamakalawa ng hapon.

Bunsod ng pagtulo ng ACU, kaya nagpayong ang mga pasahero ng MRT-3 na kinuhanan ng video at nag-viral matapos na i-upload sa social media ng isang pasahero.

“We sincerely apologizes for the inconvenience brought to passengers by a leak from one MRT-3 airconditioning unit (ACU) yesterday (Aug.7) afternoon,” ayon sa DOTr.

Paliwanag pa ng DOTr na 2008 pa nang palitan ang mga ACUs ng MRT-3, bilang bahagi ng 1st general overhaul ng sistema, o walong taon matapos na magsimula ang operasyon ng naturang train system noong taong 2000.

Anila, tuwing ikawalong taon dapat isinasagawa ang general overhaul kaya’t na-ngangahulugan ito na dapat ay sumailalim na sa 2nd ge­neral overhaul ang sistema noon pang taong 2016.

Aminado naman ang DOTr na hanggang sa kasalukuyan ay tatlong tren pa lamang, mula sa kabuuang 72 tren ng MRT-3, ang naisailalim nila  sa general overhaul.

Tiniyak naman ng ahensya na nakabili na sila ng mga bagong ACUs at nakatakda   na itong magdatingan ngayong buwang ito upang mapalitan ang mga ACUs ng kanilang mga tren at maiwasan na ang kahalintulad na problema sa pagtulo nito sa hinaharap.

Sa nag-viral na video, ma­kikita ang mga pasahero sa loob ng tren sa Boni Avenue Station sa Mandaluyong na nakapayong upang hindi mabasa ng tulo ng tubig mula sa ACU.

Mula naman sa Boni Ave­nue Station hanggang sa Taft Avenue Station sa Pasay City ay makikita ang mga em-pleyado ng MRT-3 na puma-pasok sa naturang tren upang punasan ang sahig nito, tuwing humihinto sa bawat istasyon.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

METRO RAIL TRANSIT LINE 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with