^

Metro

Binata kinaladkad palabas ng bahay, saka itinumba ng mga nakamaskara

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Binata kinaladkad palabas ng bahay, saka itinumba ng mga nakamaskara
Nakilala ang nasawi na si Jerry Boy Dimaliwat, 33, binata, obrero at naninirahan sa Champaca Street, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod. Malaya namang nakatakas ang dalalawang salarin na nakasuot ng maskara.
File Photo

MANILA, Philippines — Kinaladkad mula sa kanyang mahimbing na pagtulog saka pinagbabaril sa labas ng kanyang bahay ang isang lalaki ng dalawang nakamas-karang salarin, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakilala ang nasawi na si Jerry Boy Dimaliwat, 33, binata, obrero at naninirahan sa Champaca Street, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.  Malaya namang nakatakas ang dalalawang salarin na nakasuot ng maskara.

Sa ulat ng Navotas City Police, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa harap ng bahay ng biktima.  Ayon sa ina ng biktima na si Evangelina Dimaliwat, 58, mahimbing na silang natutulog nang biglang puwersahang binuksan ang pinto ng kanilang bahay at pumasok ang dalawang armadong lalaki.

Kinaladkad ng mga sala-rin ang kanyang anak na si Jerry Boy saka siya nakarinig ng magkakasunod na putok ng baril. Nang lumabas siya, dito na tumambad ang dugu­an at wala nang buhay na katawan ng kanyang anak.

Patuloy ang imbestigas-yon ng pulisya sa insidente partikular ang katauhan ni Di­maliwat upang malaman ang mga maaaring motibo sa pa-mamaslang.

vuukle comment

MAN SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with