Paslit pisak sa 10-wheeler
MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang batang babae nang magulungan ng 10-wheeler truck sa ulo habang tumatawid sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.
Ang biktima ay kinilalang si Abegail Sawit, 5, residente ng Gate 17, Parola Compound, Tondo.
Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU-VTIS), dakong alas 2:30 ng hapon habang tumatawid ang biktima sa MICT Access Road sa Parola Compound nang matalisod at madapa ito na saktong dumadaan ang trailer truck na minamaneho ni Isabelo Liwag nang mahagip ng kanang gulong at masagasaan ang ulo nito.
Sumurender naman ang truck driver na pinipigil sa MDTEU habang inihahanda ang isasampang kasong “reckless imprudence resulting in homicide” laban sa kanya sa Manila Prosecutor’s Office.
- Latest