^

Metro

Karerahan ng 2 bus sa EDSA, 20 sugatan

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang 20 katao matapos magkarambola ang tatlong sasakyan dahil umano sa karerahan ng dalawang pampasaherong bus, na nagdulot nang napakabigat na daloy ng trapiko sa mga motorista kahapon ng umaga sa EDSA-Magallanes, Makati City.

Nilalapatan ng lunas ngayon sa Ospital ng Ma­kati at Pasay City General Hospital (PCGH) ang mga sugatang biktima na pawang pasahero ng naturang mga  bus.

Naganap ang insidente alas-6:05 kahapon ng uma­ga sa Southbound lane ng EDSA-Magallanes, Brgy. San Lorenzo ng naturang lungsod.

Nabatid  na habang binabagtas ng Joyselle Bus Co, (TXD-328), na may biyaheng Baclaran-Fairview at minama­neho ni Fruto Aba-nes Avila ang naturang lugar  nang bigla itong nawalan ng preno dahilan upang masalpok nito ang isang aircon Valenzuela Transport Service Cooperative Bus, na biyaheng Alabang at minamaneho ni Edwin Jose Al­faro hanggang sa nasalpok din nito ang isang Mitsubishi Mirage (ACM-4149) na mina­maneho naman ni Arnante Aguilar.

Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang nasa-bing aksidente sa kahabaan ng EDSA.

Napag-alaman, na nagkakarehan umano ang da­la­­wang bus, na nagdulot nang aksidente habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa pangyayari.

vuukle comment

BUS

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with