^

Metro

Binatilyo kinuyog, sinaksak ng kalabang frat

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasa kritikal na kondisyon ang isang 17-anyos na out of school youth matapos itong kuyugin at saksakin ng kalaban nitong grupo na miyembro ng isang fraternity na kinabibilangan ng sampung katao, kamakalawa ng gabi sa Mun-tinlupa City.

Inoobserbahan sa ngayon sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Edmar Obigos,  ng Lakeview Homes, Brgy. Putatan ng natu-rang siyudad sanhi ng tinamong mga sugat at  saksak sa tiyan.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya laban sa 10 suspects na pawang miyembro ng BRB Fraternity Alabang Chapter at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Nicolas Salvador, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap  ang insidente alas-9:00 ng gabi sa panulukan ng Hina­ro at Estanislao Sts., Lakeview Homes, Brgy. Putatan ng naturang lungsod.

Naglalakad ang biktima pauwi ng kanilang bahay kasama ang ilang kaibigan nang biglang sinugod ang mga ito ng mga  suspect.

Kinuyog ang biktima hanggang sa nagkaroon ng rambulan at pagkatapos ay mabilis na tumakas ang mga suspect.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima na sa ngayon ay nasa maselang kalagayan.

Sa teyorya ng pulis­ya, posibleng ang insidente ay isang frat war na kung saan magkalaban ang grupo ng biktima at grupo ng mga suspect. Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment

FRAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with