^

Metro

Bebot niratrat sa QC, patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bangkay na nang matagpuan ang isang babae ilang oras makaraan itong pagbabarilin ng hindi nakiki-lalang mga salarin sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. Old Balara, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nakilala ang biktima na si Maria Crystina Tadeo, 37-40, dalaga at residente sa Lakas St., ng nasabing barangay.

Base sa pagsisiyasat ni SPO1 Marvin P. Masangkay, may-hawak ng kaso, dakong alas- 4 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima na wala nang buhay na nakahandusay sa harap ng kanyang bahay.

Gayunman, bago matagpuang bangkay ang biktima, dakong ala-1:30 ng madaling araw ay nakarinig umano ng mga putok ng baril ang mga kapitbahay nitong sina Jonathan Valdez at Vicky Estanislao sa labas ng kanilang bahay, pero hindi nila ito binigyan ng pansin.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene narekober ang tatlong basyo ng bala at isang tingga ng bala. Habang nagtamo naman ng tama ng bala ang biktima sa kanyang ulo at kanang kamay.

Patuloy ang imbestigas-yon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

QCPD-CIDU

SOCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with