^

Metro

2 lalaki tinadtad ng bala, itinapon sa kalsada

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang bangkay ng  hindi kilalang kalalakihan  na tadtad ng bala nang ibaba ito mula sa isang kotse ng hindi pa nakikila­lang mga sus­pect, kahapon ng ma­daling araw sa Brgy. Pali­ngon Tipas, Ta­guig City.

Inaalam pa ng Taguig City Police ang pagkakakilanlan­ sa mga biktima, na tinata­­yang nasa 30 hanggang 40-anyos, nakasuot ng maong pants,  puting t-shirt at katamtaman ang pangangatawan, kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa report na natanggap ni Chief Supt. Tomas Apolinario, director ng Southern Police District (SPD), ala-1:00 kahapon ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa Cayetano Ave­nue, Brgy. Pali­ngon Tipas, Taguig City.

Lumalabas sa imbes­ti­gas­­­yon, isang kulay puting sa­sakyan na walang plaka ang pumarada sa naturang lugar kung saan ibinaba ng tatlong kalalakihan ang duguang dalawang biktima na pinagbabaril pa uli at tiniyak na patay na ang mga ito bago iwan. Dalawang motorsiklo rin ang nasa lugar na pumutok din sa katawan ng dalawang biktima

Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect.

Kinumpirma ng barangay na hindi residente sa lugar ang natagpuang mga bangkay ng lalaki, patuloy pa ring nagsasagawa ng mala­limang pagsisiyasat ang pu­lisya hing­gil sa insidente.

vuukle comment

TAGUIG CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with