^

Metro

Live-in partner, anak sinaktan, mister kalaboso

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang 35 anyos na lalaki nang habulin ng saksak gamit ang screw driver ang kanyang live-in partner, bukod pa sa pa­­na­nakit sa kaniyang da­lawang anak, sa San Andres Bukid, Maynila, sa ulat ka­hapon.

Nakatakdang iharap sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children Act ng Women and Children Protection Desk ng Manila Police District ang suspek na si Ariel Custodio, alyas “Chukoy” ng no. 2515 Radium St., San Andres Bukid.

Sa inihaing reklamo ng biktimang nagpatago sa pangalang Gloria, 30 anyos, kay PO2 Vanessa Buligon, alas-8:00 ng gabi kamaka-lawa (Enero 9) nang paluin umano ng suspek ang kanilang mga anak na nasa edad na 8 at 3 anyos.

Kinonpronta niya ang suspect subalit siya naman ang pinagbalingan nito at hinabol ng screw driver.

Sa takot na itarak sa ka­niya ang pag-akma ng suspek mabilis na lumabas ang biktima at nagpasak- lolo sa kanilang barangay.

Naabutan pa umano ng mga tauhan ng MPD-Sta.Ana Police Station 6 ang suspek na hinahasa sa bangketa ang dulo ng screw driver. Gayunman, nang sitahin ng pulis ay kusang sumuko ito.

vuukle comment

ACIRC

ANA POLICE STATION

ANG

ARIEL CUSTODIO

MANILA POLICE DISTRICT

RADIUM ST.

REPUBLIC ACT

SAN ANDRES BUKID

VANESSA BULIGON

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN ACT

WOMEN AND CHILDREN PROTECTION DESK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with