^

Metro

Binata sinunganga ng baril ng pulis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng lace­ration o hiwa sa kaliwang bahagi ng ilong ang isang binata na sinunganga ng baril ng isang diumano’y pulis, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa reklamong inihain sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (GAIS), kinilala ng biktimang si John Christian Bautista, 21, ng no.1381-B Quiricada St., Sta. Cruz, Maynila, ang pulis na nagngangalang Ken Mamerto, hindi pa tukoy kung saan na­ka­talaga.

Kuwento niya kay SPO2 James Poso ng MPD-GAIS, kasama niya ang kaibigan na si James Jerome Bacani nang makasalubong ang suspek na nagmamaneho ng motorsiklo. Nilapitan umano sila at siya ay binatukan sabay sabi na bakit siya pinagtitripan.

Hindi umano puma­lag ang dalawa at nag­lakad pa rin suba­lit sinundan pa sila at itinutok sa ilong ang baril ng madiin kaya umano na-sugatan ang biktima.

Umalis din kaagad ang suspek habang ang biktima naman ay humi­ngi ng saklolo sa mga naka-duty na barangay official sa lugar na tumulong para siya ipa-medical at magsampa ng reklamo sa pulisya.

Nakatakdang ipatawag ang nasabing suspek subalit kailangan pa umanong iberipika kung ito ay talagang miyembro ng Philippine National Police at kung saan nakadestino para sa ipadadalang summon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

B QUIRICADA ST.

CRUZ

JAMES JEROME BACANI

JAMES POSO

JOHN CHRISTIAN BAUTISTA

KEN MAMERTO

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

MAYNILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with